Home HOME BANNER STORY Pulong sa ICI: Wala akong tinatago, flood control probe oks sakin

Pulong sa ICI: Wala akong tinatago, flood control probe oks sakin

231
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Davao City 1st District Representative Paolo “Pulong” Duterte na bukas siya sa imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) kaugnay ng flood control projects sa kanyang distrito, at iginiit na wala siyang itinatago.

“Una sa lahat, I welcome the investigation. Wala tayong tinatago, wala tayong tinatakbuhan, at wala tayong kinakatakutan. Kung may imbestigasyon ang ICI, that is very much welcome,” ayon kay Duterte.

Dagdag niya, mas mabuting imbestigahan upang malaman kung saan nanggaling ang problema at kung sino ang nakinabang, at para matapos ang narrative na sila ang sinisisi.

Sagot ito ni Duterte sa panawagan ni House Deputy Minority Leader Antonio Tinio na siyasatin ng ICI ang nasa 80 flood control contracts na nagkakahalaga ng P4.4 bilyon sa Davao City mula 2019 hanggang 2022.

Binanggit ni Tinio ang mga isyu gaya ng double funding, maling lokasyon ng proyekto, mas maiikling project duration, at posibleng overpricing batay sa DPWH records.

Ayon sa ICI, iimbitahan sina Duterte, House Majority Leader Sandro Marcos, at iba pang mambabatas bilang resource persons sa pagdinig.

Tinuligsa naman ni Duterte ang umano’y maling impormasyon ni Tinio at iginiit na ang DPWH ang implementing agency. “Yes, naging congressman ako noong 2019. Pero hindi ibig sabihin ako ang nag-design, nag-award, o nag-implement ng lahat ng proyekto… Bakit ako lang? Bakit Davao lang?” aniya.

Tugon ni Tinio, ang pahayag ni Duterte ay tila pag-amin na kabilang ang kanyang distrito sa “bilyon-bilyong flood control anomalies.” Umaasa siyang makikipagtulungan si Duterte para mapanagot ang lahat, “kahit umabot pa ito sa Malacañang.” RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here