Home HOME BANNER STORY Repat ni Roque, posibleng ihirit ng Pinas ‘pag na-deny asylum application

Repat ni Roque, posibleng ihirit ng Pinas ‘pag na-deny asylum application

235
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Interior Secretary Jonvic Remulla nitong Miyerkules na maaaring hilingin ng Pilipinas ang repatriation ni dating presidential spokesperson Harry Roque kapag na-deny ang kanyang asylum application.

“Pero tingin ko, ma-deny rin yun. Basta ma-deny yan, puwede na namin siyang i-request for repatriation, papuntang Pilipinas,” pahayag niya sa Balitanghali.

Una nang nag-request ang pamahalaan ng Interpol red notice laban kay Roque at iba pang personalidad na nahaharap sa qualified human trafficking kaugnay ng umano’y ilegal na operasyon ng POGO na Lucky South 99.

Mariing itinanggi ni Roque ang mga paratang at tinawag itong gawa-gawa at politically motivated.

Ibinunyag ni Roque na nag-apply siya ng asylum sa The Netherlands noong 2024 at isinuko ang kanyang passport.

Dahil sa Austria inisyu ang kanyang Schengen visa, sinabi ng Dutch authorities na Austria ang dapat magdesisyon sa kanyang aplikasyon alinsunod sa EU Dublin Regulation, kung saan iisang bansa lamang ang dapat magproseso ng asylum case—karaniwan ay ang bansang nag-isyu ng visa o unang pinasukan ng aplikante. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here