Home METRO Pasasalamat caravan ng pelikula ni Revilla dinumog

Pasasalamat caravan ng pelikula ni Revilla dinumog

DINUMOG ng libo-libong tagahanga at tagasuporta ang dalawang araw na caravan nina Senator Ramon “Bong” Revilla at leading lady nito na si Beauty Gonzalez bilang pasasalamat sa mga tumangkilik sa kanilang pelikulang “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis”.

Ang nasabing “Pasasalamat Caravan” ay pinangunahan ng bidang karakter na si Tolome kung saan gumanap dito ai Sen. Revilla kasama ang kanyang leading lady na si Beauty Gonzales, Nino Muhlach at iba pa.

Nagsimula sa SM San Lazaro ang nabanggit na caravan pasado ala-1 ng hapon nitong araw ng Sabado patungo sa mga lansangan sa Maynila hanggang Quezon City na nagtapos sa Robinson’s Magnolia sa Aurora Boulevard.

Namahagi naman sina Sen. Revilla at Gonzales ng mga t-shirts at mga souvenir ng kanilang pelikula sa mga tao na kanilang nadaraanan.

Ayon sa Senador, dalawang araw nilang isasagawa ang Pasasalamat Caravan na masusundan kinabukasan araw ng Linggo, upang maipahatid ang taos-pusong pasasalamat sa mga tumangkilik, kundi upang ipabatid na rin sa publiko na mapapanood muli ang kanilang pelikula sa telebisyon.

“Mapapanood na sa telebisyon sa buong Pilipinas itong aming pelikula ni Beauty Gonzalez na Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis sa pamamagitan ng GMA Network,” pahayag ni Sen. Revilla.

Ayon naman kay Beauty Gonzalez, sinabi niya na malaking karangalan ang makasama niya sa pelikula si Senator Revilla na aniya ay hindi lamang batikang artista kundi mahusay at magaling na mambabatas.

Aniya dahil sa Senador ay naipasa nito ang mga mahahalagang batas na pinakikinabangan na ng mamamayan, lalu na ng mga estudyante at senior citizen.

“Ito po ay paraan namin para mapalapit sa mga tao at makapagpasalamat mismo sa kanila. Abangan niyo po sa telebisyon ang aming pelikula kasi grabe ang eksena namin ni Sen. Bong,” ayon pa kay Gonzalez. JR Reyes