MANILA, Philippines – Titiketan na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga e-bikes, e-tricycle, e-scooter, pushcarts, tricycle, pedicab, at “kuliglig” na lalabag sa pagdaan sa mga national road sa Miyerkules, Abril 17, 2024.
Sinimulan nang hulihin ng MMDA ang mga tricycle, pushcart, pedicabs, kuligligs, e-bikes, e-trikes, at light e-vehicles (EVs) sa 20 national roads sa Metro Manila nang magkabisa ang pagbabawal sa mga ito sa mga pangunahing lansangan.
Ayon sa MMDA, saklaw ng pagbabawal ang mga sumusunod na kalsada:
Kabilang sa mga exemption ang mga tawiran kung saan makakarating ang mga natukoy na sasakyan sa kabilang bahagi ng kalsada, na hinati ng mga sakop na kalsada, ayon sa MMDA.
Ang mga tricycle ay exempted sa pagbabawal kung sila ay bumibiyahe ng hindi hihigit sa 500 metro sa mga sakop na kalsadang papunta o galing sa isang U-turn slot para tumawid sa kabilang bahagi ng kalsada.
Gayundin, ang mga magaan na de-kuryenteng sasakyan na bumibiyahe sa bike lane sa mga sakop na kalsada alinsunod sa Republic Act No. 11697 o Electric Vehicle Industry Act ay hindi kasama.
Sinabi ng MMDA na ang mga lalabag ay papatawan ng multang P2,500. Kung walang lisensya ang mga nagmamanehong drayber o walang rehistrasyon ang kanilang mga sasakyan, ikukulong ang mga kinauukulang yunit.
Nauna nang nanawagan ang ilang commuter at transport group sa MMDA na muling isaalang-alang ang pagbabawal, na anila ay anti-poor. Santi Celario