MANILA, Philippines- Nasunog ang entry ng bayan ng Dumanjug sa Float category ng “Pasigarbo sa Sugbo (Festival of festivals) 2024” bandang alas-10 ng umaga nitong Agosto 25, sa South Road Properties (SRP) sa Cebu City.
Binabagtas ng forward truck na idinesenyo bilang entry sa Float competition ang kalsada sa SRP nang mapansin ng truck boy na nagliliyab na ang rear part ng sasakyan.
Sinabi ni SFO2 Wendell Villanueva, tagapagsalita ng Cebu City Fire Station, posible umanong naharangan ng mga dekorasyon ang muffler ng truck na nagpaliyab sa bagong pintang mga materyales.
“Gumikan sa kalayo sa byahe posible natabunan man gud ang tambutso niini, tanang kainit adto gyud nabanda sa kining materyales nga bag-ong gipintalan,” ani SFO2 Villanueva.
Walang naiulat na nasaktan sa insidente. Agad na nakaalis ng sasakyan ang driver at ang truck boy.
Dumating naman ang mga tauhan ng Cebu City Fire Station ng alas-10:17 ng umaga at naapula ang apoy ng alas-10:36 ng umaga.