Home METRO Paslit na naliligo sa ulan, nakuryente sa Samar

Paslit na naliligo sa ulan, nakuryente sa Samar

MANILA, Philippines – Patay ang 13-anyos na batang lalaki matapos makuryente habang naliligo sa ulan sa Barangay Cagmanipis Norte, Tinambacan District, Calbayog City, Samar.

Kinilala ang biktima na si Eugine Gotido nang bumagsak sa lupa ang live wire mula sa poste ng kuryente, sakto sa kinaroroonan nito habang siya ay naliligo.

Hindi napansin ng bata ang kable ng kuryente na naging dahilan ng pagkakuryente nito at kamatayan.

Natanggap ng Samar Provincial Police Office ang report bandang 6:52 ng hapon nitong Huwebes, Hunyo 1. RNT/JGC