MANILA, Philippines – Sanib-pwersa ang Philippine National Police (PNP) at Anti-Money Laundering Council (AMLC) upang paigtingin pa ang paglaban kontra money laundering at iba pang financial crimes sa bansa.
Kasunod ito ng pakikipagkita ni PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. sa mga opisyal ng AMLC na pinangunahan ni executive director Mathew David sa Camp Crame, Quezon City kung saan pinagtibay ng dalawa ang kolaborasyon sa pagitan ng PNP at AMLC.
“This meeting signifies the commitment of both organizations to upholding the rule of law, preserving the integrity of the financial system, and ensuring the security of the nation,” sinabi ni Acorda sa news release nitong Biyernes, Hunyo 2.
Ani Acorda, magpapatuloy ang PNP sa pagpapalakas ng kapabilidad nito, pagbutihin ang intelligence gathering at analysis, at pabilisin ang investigative processes.
“Strengthening partnerships at the grassroots level will enable the PNP to address regional and community-based financial crimes more effectively. By working hand in hand, a network of vigilant officers committed to protecting the financial system and preventing the misuse of funds for criminal purposes can be established,” sinabi ni Acorda.
Malaki ang bahaging ginagampanan ng AMLC sa pagtulong sa PNP na buwagin ang malalaking criminal networks at pigilan ang pagkalat ng salapi na ginagamit sa iba’t ibang uri ng krimen.
“The PNP expresses gratitude to the AMLC delegation for their presence and reaffirms their shared commitment to fighting money laundering and preserving the integrity of the financial system. With determination and unwavering dedication, the PNP and the AMLC will continue to safeguard the nation from the scourge of financial crimes,” pagtatapos ni Acorda. RNT/JGC