Home NATIONWIDE Pasok sa 6,100 eskwelahan sa bansa suspendido sa Bagyong Inday

Pasok sa 6,100 eskwelahan sa bansa suspendido sa Bagyong Inday

1
0

MANILA, Philippines – TINATAYANG mahigit sa 6,100 pampublikong eskuwelahan sa 11 rehiyon ang sinuspinde ang face-to-face classes at lumipat sa Flexible Learning Options (FLO) dahil sa bagyong Inday at nagpapatuloy na southwest monsoon para magambala ang edukasyon at banta sa komunidad sa buong bansa, ayon sa Department of Education (DepEd).

Sa Disaster Risk Reduction and Management Service (DRRMS) situation report ng DepEd, ipinalabas “as of 11 a.m. araw ng Biyernes, sinabi ng departamento na may kabuuang 6,102 public schools ang pinahinto ang in-person classes, nakaapekto sa 3,681,612 mag-aaral at 149,659 personnel sa 52 Schools Division Offices sa 11 rehiyon.

Makikita sa report na may 2,075 eskuwelahan sa National Capital Region (NCR) ang nakapagtala ng active class suspensions, sinundan ng Region IV-A (Calabarzon) na may 1,692, Region III (Central Luzon) na may 802, Region IV-B (Mimaropa) na may 760, Region XIII (Caraga) na may 379, Region II (Cagayan Valley) na may 166, Region V (Bicol) na may 136, Region I (Ilocos Region) na may 113, Region IX (Zamboanga Peninsula) na may 57, Region VI (Western Visayas) na may 32, at Region X (Northern Mindanao) na may 14.

Sinasabi pa rin sa report na may ilang eskuwelahan sa Region VI ang nagpatuloy na ng kanilang klase.

Sinabi ng DepEd na ang paglipat sa flexible learning ay naglalayon na tiyakin na nagpapatuloy ang edukasyon habang pinoportektahan ang mga mag-aaral, guro at school personnel mula sa epekto ng weather disturbance.

“As of 11 a.m.” araw pa rin ng Biyernes, humina na ang bagyong Inday habang kumikilos ito patungong sea east ng Taiwan.

Samantala, sinabi ng DepEd na patuloy nitong minomonitor ang situwasyon sa pamamagitan ng DRRMS nito at inatasan ang mga eskuwelahan at field offices sa mga apektadong lugar na payuhan ang mga mag-aaral, magulang at personnel ukol sa “safety measures at emergency preparedness; safeguard school facilities, learning materials, at equipment; tiyakin ang availability ng first aid kits at iba pang emergency supplies; panatilihing ipabatid sa komunidad ang flexible learning schedules at safety updates; activate contingency plans para sa pagbaha at landslides kapag kinakailangan at kaagad na ireport ang mga pinsala at insident para suportahan ang ‘response at recovery efforts. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here