CAIRO- Patay sa Israeli airstrike sa southern Gaza ang isang Hamas political leader na si Salah al-Bardaweel, nitong Linggo, ayon sa militanteng grupo, sa pagtataya ng Palestinian officials na umabot na ang death toll sa halos 18 buwan ng kaguluhan sa mahigit 50,000.
Matapos ang dalawang buwang tigil-kaguluhan, muli na namang lumilikas ang Gazans matapos abandonahin ng Israel ang ceasefire, kung saan naglunsad ng panibagong all-out air at ground campaign nitong Martes laban sa Hamas.
Narinig ang mga pagsabog sa north, central at southern Gaza Strip nitong Linggo, sa pag-atake ng Israeli planes sa ilang targets.
Hindi bababa sa 30 Palestinians ang napatay sa Israeli strikes sa Rafah at Khan Younis nitong Linggo, base sa health authorities.
Sinabi ng Hamas na nasawi sa airstrike sa Khan Younis si Bardaweel at kanyang asawa.
Si Bardaweel ay miyembro ng Hamas decision-making body, ang political office, at nanungkulan bilang pinuno ng Hamas delegation para sa indirect truce talks sa Israel noong 2009 at nanguna sa media office ng grupo noong 2005.
“His blood, that of his wife and martyrs, will remain fueling the battle of liberation and independence,” anang grupo.
Ilang ulit na inihayag ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na ang pangunahing layunin ng giyera na buwagin ang Hamas bilang military at governing entity.
Nasa 50,021 Palestinians ang napatay at 113,274 sugatan mula nang mag-umpisa ang giyera, base sa health ministry nitong Linggo. RNT/SA