Manila, Philippines- Pinag-uusapan ng mga netizens ang naging pahayag noon ni Sen. Robin Padilla na kapag inaresto ang kapwa niya senador na si Ronald “Bato” dela Rosa sakaling isyuhan din ito ng arrest warrant ng International Criminal Court ay sasamahan niya ito.
Isa si Robin sa mga senador na kilalang kakampi ng dating Pangulong Rodrigo Duterte na nasa Netherlands na ngayon para sa kasong isinampa sa kanya ng ICC.
Bilang kilalang numero unong taga-pagtanggol ng dating pangulo ay inaabangan ng mga netizens kung anong hakbang pa ang gagawin ng asawa ni Mariel Rodriguez, huh!
“Kung huhulihin nila si Bato, isama niyo na ako dahil ako, isa ako sa sumuporta kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte diyan sa drug war.
“Walang iwanan nga, e. Sasamahan ko sila kung saan sila, tutal sanay naman tayo sa kulungan. Sa abroad pa, naku, masarap pagkain doon. Okay ‘yon,” ang viral statement ng aktor at public servant!
Nag-aabang naman ang mga netizens kung tototohanin ni Binoe anc kanyang sinabi. Jimi Escala