MANILA, Philippines – Umakyat na sa 26 ang iniulat na mga nasawi sa Bicol region dahil sa pananalasa ng Bagyong Kristine nitong Biyernes ng umaga, Oktubre 25.
Sa kabila nito, sinabi ng Police Regional Office (PRO) 5 na patuloy nilang biniberipika ang death count.
Dagdag pa, mayroong siyam na sugatan at tatlong nawawala.
Samantala, sa bulletin ngayong araw, sinabi ng PRO-5 na mayroong 314,309 katao o 106,303 pamilya sa Bicol region ang inilikas dahil sa masamang panahon.
Mayroon ding 4,303 na pasahero ang istranded sa mga pantalan sa Bicol.
Kabuuang 586 barangay sa Albay, Camarines Norte, Camarines Sur at Naga City ang nalubog sa baha dahil sa malalakas na ulan dala ng bagyong Kristine. RNT/JGC