MANILA, Philippines – Umakyat na sa higit 10,000 ang stranded sa ibat-ibang pantalan sa bansa bunsod pa rin ng nagpapatuloy na hagupit ng bagyong Kristine.
Sa pinakahuling monitoring ng Philippine Coast Guard (PCG) ngayong umaga ng Biyernes, Oktubre 25, kabilang sa 10,236 stranded ang mga pasahero, truck drivers, at cargo helpers.
Nasa 2,699 naman ang stranded na rolling cargoes, 96 vessels at 17 motorbancas.
Habang 317 vessels at 263 motorbanca ang nakadaong habang nanalasa ang bagyo.
Karamihan sa mga iniulat na stranded sa mga pantalan ay nasa Northwestern Luzon na nasa 4,247 na pasahero.
Nananatili namang naka-heightened alert ang PCG at kanilang district stations para sa pagtugon sa mga apektado ng bagyo. Jocelyn Tabangcura-Domenden