Home HOME BANNER STORY Patay sa paglubog ng M/V Trisha Kerstin 3, umakyat na sa 52

Patay sa paglubog ng M/V Trisha Kerstin 3, umakyat na sa 52

166
0

MANILA, Philippines – Umakyat na sa 52 ang bilang ng mga nasawi sa paglubog ng M/V Trisha Kerstin 3 sa Basilan matapos makarekober ng isa pang bangkay nitong Miyerkules, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Sa isang update, sinabi ng PCG na isa pang katawan ang natagpuan sa nagpapatuloy na search and rescue (SAR) at dive operations sa karagatan malapit sa Baluk-Baluk Island.

Dakong alas-7 ng umaga, sinimulan ng PCG technical divers ang operasyon sa lugar ng wreck site, at makalipas ang 15 minuto ay natagpuan nila ang bangkay ng isang babaeng biktima mula sa lumubog na barko.

Gamit ang rigid-hull inflatable boat ng BRP Melchora Aquino (MRRV-9702), kinuha ang bangkay mula sa dive site at isinigurado ito para sa maayos na paghawak at disposisyon.

Umalis ang M/V Trisha Kerstin 3 mula sa Port of Zamboanga City patungong Jolo, Sulu noong gabi ng Enero 25 ngunit lumubog ito sa karagatan ng Basilan noong umaga ng Enero 26.

Nauna nang ipinag-utos ng Department of Transportation (DOTr) ang grounding ng buong fleet ng Aleson Shipping Lines habang isinasagawa ang maritime safety at inspection audit kasunod ng insidente. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here