Home NATIONWIDE Inilunsad na ‘blockchain’ may integridad – DICT

Inilunsad na ‘blockchain’ may integridad – DICT

136
0

MANILA, Philippines – Mayroong integridad ang inilunsad na ‘blockchain’ sa bansa dahil sa tinatawag na ‘check and balances’

Ito ang tiniyak ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Henry Roel Aguda sa kanyang pagdalo sa Kapihan sa Manila Bay.

Ayon kay Aguda, makikita at ‘accessible’ aniya ito sa publiko kung kaya’t maging ang mamamayan ay may kakayahan na ito’y maiberipika.

Sa pamamagitan ng ‘blockchain,’ ang nangangasiwa sa datos ng mga transaksyon ng pamahalaan ay mas marami nang makaka-access sa impormasyon na layong mapaigting ang ‘transparency’ at maibsan ang korapsyon.

Kaya rin aniyang maresolba sakali man magkaroon ng ‘errors’ sa naturang teknolohiya.

Sa database nito, sinabi ng opisyal na may magkakahiwalay na sistema ang bawat departamento tulad ng Department of Public Works and Highways na ngayo’y nahaharap sa kontrobersyal na anomalya sa flood control.

Direkta aniyang napupunta ang mga transaksyon o datos mula sa mga ito tungo sa blockchain.

At kung may ma-detect na ‘error’, madali aniya itong mate-trace lalo na kung may nagkamali at makikita kung anuman ang binago.

Sa pamamagitan ng ‘Integrity chain’ layon nila ang ‘transparency’ sa gobyerno. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here