Home METRO Patay sa sagupaan sa Negros umakyat sa 7!

Patay sa sagupaan sa Negros umakyat sa 7!

MANILA, Philippines – Umakyat na sa pito ang bilang ng mga nasawi mula sa hanay ng New People’s Army matapos ang sagupaan laban sa mga awtoridad sa Barangay Gatuslao, Candoni, Negros Occidental.

Ayon kay Police Major Nelson Amsiwen Jr., Candoni police chief, natagpuang sugatan ang batang NPA member habang nagtatago, ng military tracker dogs na sumusuri sa lugar kasabay ng clearing operation.

Nagbigay ng first aid ang mga sundalo ngunit namatay din ito kalaunan habang dinadala sa ospital.

Siya ang kauna-unahang natukoy na nasawing rebelde ngunit tumanggi ang pulisya na pangalanan ito.

Ani Amsiwen, tatlo sa anim na mga nasawi ang natukoy na rin ng mga awtoridad.

Inilibing ang mga ito sa isang sementeryo nitong Biyernes, Nobyembre 22 sa Candoni. RNT/JGC