Home NATIONWIDE VP Sara planong manatili ‘gang Bagong Taon sa Kamara, babantayan si Zuleika

VP Sara planong manatili ‘gang Bagong Taon sa Kamara, babantayan si Zuleika

157
0

MANILA, Philippines – Planong manatili ni Vice President Sara Duterte sa Kamara hanggang sa Bagong Taon matapos na ma-cite in contempt ang kanyang chief of staf na si Atty. Zuleika Lopez.

“We were initially doing a planning session last night to stay here until after the New Year’s,” ani Duterte, kaugnay sa kanyang pananatili sa Kamara.

Tutuloy siya sa opisina ng kanyang kapatid na si
Davao City Rep. Paolo Duterte matapos nitong bisitahin si Lopez sa House detention facility.

Humiling sana siya sa komite na Samahan si Lopez ngunit hindi ito pinayagan.

Ani Duterte, binigyan na lamang siya ni Paolo ng permiso na gamitin ang kanyang opisina para mas madaling madalaw si Lopez.

“So may mga nararamdaman siya healthwise. Ang gusto niya kasi talaga sana is for her peace of mind, samahan ko siya doon para makatulog siya. But the best alternative at this point is for me to stay dito sa office ni Cong. Pulong,” sinabi ni Duterte.

Inaalala umano ng kanyang staff ang karanasan ng Ilocos Six, o anim na empleyado ng Ilocos Norte na na-detain ng House committee kaugnay sa pagbili ng local na pamahalaan ng mga sasakyan na nagkakahalaga ng P66.5 milyon mula sa share sa tobacco excise tax.

Sinabi ni Duterte na ang Ilocos 6 ay nagsama-sama hanggang Pasko at Bagong Taon sa House detention.

Matatandaan na ipinag-utos na Kamara na i-contempt si Lopez dahil sa umano’y pakikialam nito sa imbestigasyon kaugnay sa paggamit ng confidential funds ng Office of the Vice President at Department of Education.

Ang detention ay tatagal hanggang Nobyembre 25, o petsa ng susunod na pagdinig ng komite.

Samantala, humiling na si Duterte ng sampayan para sa kanyang mga lalabhang damit. Nagbigay na rin ng WiFi connection ang kanyang staff para kay Lopez upang magawa pa rin nito ang trabaho sa OVP habang naka-detain.

“Ang hindi ko palang nasabi sa mga bata is kung nasaan ako ngayon. Kasi ang expectation nila ngayon ay nasa Cagayan de Oro ako. But tonight, during our video call, sasabihin ko kung nasaan ako,” ani Duterte. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here