Home FOOD Patok na pagkain tuwing Semana Santa!

Patok na pagkain tuwing Semana Santa!

Marahil ay nag-iisip ka ngayon kung anong kakainin. Ano nga ba ang mga patok na pagkain tuwing Semana Santa?

Alam naman natin na kailangan ang “Fasting” tuwing Semana Santa, o ang hindi pagkain ng karne o iba pang masasarap na pagkain bilang pakikiisa sa paggunita sa sakripisyo ng ating Panginoong Hesus sa Kalbaryo.

Ngayon, alamin natin ano ba ang mga pagkaing simple pero swak na swak sa inyong pag-aayuno!

Peanuts, Almonds or Other Nuts – Kapag naamoy mo na ang nilagang mani paggising sa umaga, tiyak mapapaisip ka… Holy Week nga! Isa ang mga pagkaing ito na swak at patok ngayong Semana Santa, na kainin kasama ang pamilya.

Mais, Kamote, Ube at Kamoteng Kahoy – Kapartner ng mani ay ang mais, kamote, kamoteng kahoy o ube! Hindi natin ma-explain kung bakit ito ang karaniwang niluluto for breakfast kapag Holy Week, o mula Huwebes Santo hanggang Sabado de Gloria. Pero masarap naman at talagang makakapagnilay-nilay ka habang kumakain ng kamote!

Iba’t Ibang Uri ng Isda o Lamang Dagat – Dahil nga bawal ang pagkain ng baboy o iba pang karne bilang bahagi ng pag-aayuno ngayong Semana Santa, ang karaniwang ulam ng mga Pinoy ay something with fish! Kaya pasok sa ating listahan ang isda, bilang patok na pagkain tuwing panahong ito.

Last but definitely not the least, siyempre hindi mawawala ang tinapay at itlog. Either nilagang itlog o pritong itlog, ipalaman sa tinapay at swak na swak na! RNT/JGC