Manila, Philippines – Iba na talaga ang sikat, and we don’t mean just sikat–kundi sikat na sikat.
Ito kasi ang dilemma ni Paulo Avelino who graced the recent Sinulog Festival in Cebu.
Hindi kasi dama ang presensya ni Kim Chiu sa kabila ng balitang nakapasok ito sa Mactan airport kasama si Paulo.
No clear and solid info was readily available kung nasaan ang TV host-actress.
May kumalat kasing tsika na hindi agad nag-proceed sa Bai Hotel ang aktor to join other fellow actors na endorsers din ng isang motorcycle brand.
As usual, gumana ang “tamang hinala” ng mga faney–hindi daw kaya ang condo ni Kim ang destinasyon ni Paulo?
At doon sila nagkita para iligaw ang mga nag-abang sa kanila?
Pero may ibang anggulo din ang tsismis–such that hindi daw karay ni Paulo si Kim when he arrived at the airport.
Sey ng ilang feeling paparazzi, sa VIP exit daw ng airport pinadaan si Paulo para iwas-kuyog ng mga fans.
No Kim din daw ang kasama ni Paulo upon his arrival.
Kumbaga, sinunod lang daw ng airport security personnel ang protocol on safety.
Napatunayan din doon that Paulo is as big as a star tulad ni Kim sa Cebu.
Kung hindi ba naman, nakasakay ang Kapamilya actor sa van kung saan lulan din ang anak ng may-ari ng motorcycle company and with other corporate people.
At nang hubarin ni Paolo ang kanyang shades, ‘yon na… hell broke loose!