Home NATIONWIDE PAWS, nagbigay ng pet food, tulong sa PUV drivers sa Maginhawa

PAWS, nagbigay ng pet food, tulong sa PUV drivers sa Maginhawa

126
0
via Philippine Animal Welfare Society (PAWS)

MANILA, Philippines – Nagpatuloy ang outreach program ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS) noong Marso 28 sa Maginhawa Street sa pamamagitan ng kanilang “Community PAWntry” na nagbigay ng tulong sa mga public utility vehicle (PUV) drivers na apektado ng pagtaas ng presyo ng gasolina.

Ayon sa PAWS, layunin ng programa na matulungan hindi lang ang mga drayber kundi pati ang kanilang mga alagang hayop na itinuturing na bahagi ng pamilya.

Bandang 3:30 p.m., namahagi ang mga volunteer ng dog at cat food sa humigit-kumulang 145 tricycle at jeepney drivers na dumaan sa community pantry.

Sinabi ng mga organizer na mabilis na naubos ang mga pagkain para sa tao tulad ng gulay at itlog, na nagpapakita ng patuloy na pangangailangan ng karagdagang donasyon para sa mga apektadong komunidad.

Iniwan din ng grupo ang humigit-kumulang 150 food packs para sa mga susunod pang benepisyaryo na hindi agad nakakuha ng tulong.

Bahagi ang “Community PAWntry” ng adbokasiya ng PAWS na isama ang animal welfare sa mga humanitarian efforts, kasabay ng prinsipyo ng community pantry na “magbigay ayon sa kakayahan, kumuha ayon sa pangangailangan.” RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here