Home NATIONWIDE PBBM balik-Pinas na mula US working visit

PBBM balik-Pinas na mula US working visit

135
0

MANILA, Philippines – Dumating sa Pilipinas nitong Miyerkules ng gabi si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos ang kanyang working visit sa New York, United States.

Ligtas na lumapag sa Villamor Air Base sa Pasay City ang sinasakyang eroplano ng Pangulo na may callsign na Flight PR001 alas-11:29 ng gabi (Manila time).

Bago umalis ng New York, inilarawan ni Marcos ang kanyang biyahe bilang “very productive.”

“I am happy to report that the outcomes of this visit to call for peace amidst tensions in the Middle East and other parts of the world, and of course, to campaign for our UN Security Council candidature,” ani Marcos sa isang press briefing noong Marso 10.

Sa kanyang pagbisita, dalawang beses na nagsalita ang Pangulo sa United Nations—sa 70th session ng Commission on the Status of Women at sa Special Plenary Meeting ng United Nations General Assembly.

Nakipagpulong din siya kay UN Secretary-General Antonio Guterres kung saan tinalakay ang mga isyung internasyonal at rehiyonal, kabilang ang kandidatura ng Pilipinas para sa non-permanent seat sa UN Security Council.

Sa gilid ng kanyang pagbisita, nakipagkita rin si Marcos sa mga US companies at investors, kabilang ang JP Morgan Chase at ang US Medical Glove Company, na planong maglagak ng hindi bababa sa $200 milyong pamumuhunan sa Pilipinas.

Dumalo rin ang Pangulo sa isang dinner reception na inorganisa ng LT Group, Inc. (LTG) kung saan itinampok niya ang investment climate ng Pilipinas.

Nakipagpulong din siya kay United States Department of War Undersecretary for Policy Eldridge Colby upang talakayin ang pagpapalakas ng Philippines–United States defense partnership. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here