MANILA, Philippines- Nakatakdang magkita at magpulong sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Cambodian Prime Minister Samdech Moha Borvor Thipadei Hun Manet sa Pebrero 11 upang pag-usapan ang mga plano para itaas at palakasin ang ugnayan ng Pilipinas at Cambodia.
Kinumpirma ng Malakanyang ang ‘first official visit’ ni Hun Manet sa Pilipinas sa darating na Pebrero 10 hanggang 11.
“President Ferdinand R. Marcos Jr. will welcome H.E. Samdech Moha Borvor Thipadei Hun Manet, Prime Minister of Cambodia, on his first Official Visit to the Philippines on 10-11 February 2025,” ang sinabi ng Malakanyang sa kalatas na ipinalabas nito.
Ayon sa Malakanyang, magkakaroon ng bilateral meeting si Pangulong Marcos kasama si Hun Manet sa Palasyo ng Malakanyang sa Pebrero 11.
“The two leaders are expected to discuss “advancing cooperation in combatting transnational crimes, defense, trade, tourism, regional and multilateral cooperation,” ang sinabi ng Malakanyang.
Sa ngayon, mayroong mahigit sa 7,000 Pilipinong nakatira at nagtatrabaho sa Cambodia. Kris Jose