Home NATIONWIDE PBBM dadalo sa libing ni Pope Francis

PBBM dadalo sa libing ni Pope Francis

MANILA, Philippines – KINUMPIRMA ng Malakanyang na dadalo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa libing ni Pope Francis.

Ito’y matapos na ilabas ng Vatican Press Office ang detalye sa paglipat ng labi ng Santo Papa sa St. Peter’s Basilica at ang kanyang magiging libing sa Sabado.

“The President will attend the funeral of the Pope,” ang sinabi ni Presidential Communications Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro.

Ililipat ang labi ni Pope Francis mula sa kapilya ng Casa Santa Marta patungong St. Peter’s Basilica Miyerkules ng umaga, oras sa Vatican.

Pangungunahan ng Camerlengo ng Simbahang Katolika na si Cardinal Kevin Farrell ang panalanginbago magsimula ang ‘Traslacion’ o pagprusisyon sa labi ni Pope Francis bandang alas nwebe ng umaga.

Pagdating sa Basilica, pangungunahan ng Cardinal Camerlengo ang seremonya.

Samantala, maglalabas naman ng karagdagang detalye ang Malakanyang hinggil sa pagdalo ni Pangulong Marcos sa libing ng Santo Papa. Kris Jose