Home NATIONWIDE PBBM ‘di makikialam sa imbestigasyon ng Ombudsman kay Romualdez

PBBM ‘di makikialam sa imbestigasyon ng Ombudsman kay Romualdez

10
0

MANILA, Philippines – HINDI makikialam si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa imbestigasyon ng Office of the Ombudsman laban sa kanyang pinsan na si dating House Speaker Martin Romualdez.

Sinabi ni Presidential Communications Office at Palace Officer Claire Castro sa isang press briefing sa Malakanyang na nananatiling naninindigan si Pangulong Marcos na ang imbestigasyon ay dapat na may gabay ng ebidensiya, hindi alintana kung sino ang maaaring masangkot.

“Hindi po makikialam ang Pangulo sa anumang pag-iimbestiga. Sabi nga po natin at ang sabi rin po ng Pangulo, kahit sino po ang maapektuhan nito, kung saan po pupunta ang ebidensiya, sundan na lang po natin,” ang sinabi n Castro.

“So, kung ano po ang mangyayari sa anumang pag-iimbestiga dito, hindi po makikialam ang Pangulo at tatanggapin po ito,” aniya pa rin.

Nauna rito, iInihayag ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na malapit nang matapos ng kanyang tanggapan ang fact-finding investigation laban kay Romualdez kaugnay ng umano’y iregularidad sa mga flood control project.

Ayon kay Remulla, halos handa na silang magsampa ng kasong plunder, ngunit tinitiyak muna nilang kumpleto at matibay ang lahat ng ebidensya bago ito ihain sa korte.

Sa ulat, nanindigan ang kampo ni Romualdez na hindi ito sangkot at walang ebidensyang mag-uugnay sa kanya sa mga maanomalyang flood control project.

Sa katunayan, ayon kay Atty. Ade Fajardo, abogado at tagapagsalita ni Romualdez, mismong ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) ay walang nakitang pananagutan ni Romualdez hinggil sa flood control scandal.

Ayon kay Fajardo, handa si Romualdez na harapin ang anumang reklamong ihahain ng Ombudsman kaugnay ng flood control scam.

Tiniyak ni Fajardo na hindi tatakas si Romualdez sa kanyang pananagutan at mananatili ito sa Pilipinas, kung saan abala siya sa pagtupad ng kanyang tungkulin bilang kinatawan ng Leyte.

Sa kabilang dako, binasura naman ni Castro ang alegasyoh na selective justice matapos na sabihin ni ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio na ang mga kaalyado ng administrasyon na sangkot sa kuwstiyonableng flood control projects ay hindi pa ipinaghaharap ng reklamo.

Ani Castro, nangangailangan ang justice system ng ebidensiya at due process, at hindi akusasyon lang.

“Hindi po ganiyan ang hustisyang umiiral dito sa ating bansa – due process… Dito po, ang umiiral ay ebidensiya,” ang sinabi ni Castro.

Samantala, hinamn naman ni Castro ang mga kritiko na kung may ebidensiya ay maghain na lamang ng kaso. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here