Home NATIONWIDE PBBM, Japan PM magpupulong sa susunod na linggo

PBBM, Japan PM magpupulong sa susunod na linggo

MANILA, Philippines – MAKIKIPAGPULONG si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay Japanese Prime Minister Shigeru Ishiba sa Palasyo ng Malakanyang sa darating na Abril 29 para talakayin ang ‘regional at global issues.’

Inanunsyo ng Malakanyang na magkakaroon ng official visit si Ishiba sa Pilipinas sa Abril 29 hanggang 30.

“The meeting of President Marcos and Prime Minister Ishiba will aim to deepen and improve economic and development cooperation, political and defense engagements, and people-to-people exchanges,” ang nakasaad sa kalatas ng Malakanyang.

“Both leaders are also expected to exchange views on regional and global developments, and explore new pathways towards peace and stability under the ‘Strengthened Strategic Partnership’ between the two countries,” ang nakasaad pa rin sa kalatas.

Makakasama ni Pangulong Marcos si Unang Ginang Liza Araneta-Marcos sa mainit na pagtanggap kay Ishiba at sa asawa nito na si Ishiba Yoshiko, sa Palasyo ng Malakanyang sa Abril 29.

Matatandaang, nakapulong na ni Pangulong Marcos si Ishiba sa Vientiane, Laos sa sidelines ng ASEAN Summits noong Oktubre 2024.

Layon ni Ishiba na makamit ang kasunduan kasama si Pangulong Marcos sa pagsisimula ng talakayan para sa pagbalangkas at pagbuo ng military intelligence-sharing pact sa pagitan ng Japan at Pilipinas, kilala bilang General Security of Military Information Agreement or GSOMIA, ayon sa nakaraang report ng Jiji Press.

Inaasahan naman na magkakasundo sina Ishiba at Pangulong Marcos na simulan ang negosasyon ukol sa ‘acquisition at cross-servicing agreement’ kung saan mapahihintulutan ang mutual supply ng ammunition at fuel.

Samantala, inaasahan naman na iinspeksyunin ni Ishiba ang isang coastal surveillance radar system at iba pang equipment na nakasaad sa ilalim ng Japan’s Official Security Assistance (OSA) framework upang bigyang diin ang quasi-alliance relationship ng dalawang bansa.

Inaasahan din ng Pangulo na makakapulong nito ang mga mga taong walang estado ipinanganak ng mga Japanese national at iniwan ang Pilipinas matapos ang World War II upang iparating ang suporta ng Tokyo para sa kanilang pagkuha ng Japanese nationality. Kris Jose