Home NATIONWIDE Libel complaint ni Trillanes vs Roque ibinasura

Libel complaint ni Trillanes vs Roque ibinasura

MANILA, Philippines – Ibinasura ng Quezon City Office of the Prosecutor ang inihaing cyber libel complaint ni dating senador Antonio Trillanes IV laban kay Atty. Harry Roque.

Sa resolusyon na may petsang Oktubre 9, 2024, sianbi ni Assistant City Prosecutor Darlene Oani na ang reklamo ay ibinasura dahil sa “insufficiency of evidence.”

Sinabi ni Trillanes na nagbitaw si Roque ng
“derogatory statements” laban sa kanya sa verified personal Facebook account nito.

Inilabas ni Roque ang resolusyon ng city prosecutor sa kanyang Facebook account.

Ani Roque, naghain si Trillanes ng cyber libel nang sabihin nitong:

“Hoy Trililing, excuse me, hindi nawalan ng teritoryo ang Pilipinas ni isang inch noong panahon ni Presidente Duterte. At ipinaalala ko sa kanya na nawalan tayo ng teritoryo ay noong panahon ni P-Noy, kung saan siya itinalaga bilang special envoy na walang permiso ng Senado noong mga panahon na iyon dahil siya ay nakupong senador.”

“I thank the public prosecutors for applying the law on libel correctly,” ani Roque.

Ayon naman kay Trillanes, masyado pang maaga para kay Roque na magbigay ng komento sa kaso.

“Hindi pa nga siya makauwi. Anyway, we will still be filing a motion for reconsideration today,” ani Trillanes. RNT/JGC