Home NATIONWIDE PBBM, lilipad patungong Singapore para sa working visit

PBBM, lilipad patungong Singapore para sa working visit

4
0

MANILA, Philippines – Lilipad si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. patungong Sinagpore para sa working visit mula October 7 hanggang 11, 2026.

Sa isang kalatas, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na inimbitahan ni Prime Minister Lawrence Wong si Pangulong Marcos na magpunta sa Singapore.

“Ang Working Visit na ito ay bahagi ng inisyatibo ng bansa upang mapalalim ang ating ugnayan sa Singapore, mapalawak ang ating economic engagement, at isulong ang ating kooperasyon sa mga sektor na makatutulong sa kaunlaran ng ating bansa,” ang nakasaad sa kalatas.

Sinabi pa ng DFA na ang napipintong pakikipagpulong ng Pangulo ay mahalaga habang malapit ng matapos ang chairship ng Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at ilipat sa Singapore.

Nakatakda ring dumalo ang Pangulo sa 24th Forbes Global CEO Conference para makapulong ang mga nangungunang business leaders mula Singapore at sa iba’t ibang panig ng mundo.

“This would allow the President to present investment opportunities in the Philippines,” ayon sa departamento.

“Bibisita rin ang Pangulo sa Singapore Nuclear Research and Safety Institute, upang alamin ang karanasan at expertise ng Singapore sa nuclear technology and safety,” ang sinabi pa rin ng DFA.

Samantala, ito ang pang-anim na byahe ng Pangulo sa Singapore, kasunod ng kanyang pagbisita noong Hulyo kung saan nakapulong niya Wong para pag-usapan ang mga bagay na may kinalaman sa chairmanship ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Si Pangulong Marcos ay nagpartisipa rin sa Milken Institute Private Roundtable Discussion sa kanyang huling byahe sa Singapore. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here