MANILA, Philippines- Pinasalamatan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang bawat Pilipinong bumoto sa araw ng halalan, Mayo 12, araw ng Lunes, sa bansa.
“Maraming salamat sa bawat Pilipinong bumoto,” ayon kay Pangulong Marcos.
“Once again, our democracy has renewed itself—peacefully, orderly and with dignity. It is both a celebration of continuity and a call to act on the real challenges our people face,” dagdag niya.
Para naman sa mga binotong lider ng bansa, lider na makikinig at aakto sa inflation, trabaho, korapsyon at sa araw-araw na pasanin na kanilang araw-araw na dadalhin, ito aniya ang mga isyung dapat na direktang harapin.
Sa kabilang dako, pinasalamatan naman ng Pangulo ang mga sumuporta sa mga kandidato ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas.
“Thank you for your trust. We may not have won every seat, but our work and mission continue,” giit niya.
“Para naman sa mga kandidatong hindi pinalad, ang iyong katapangan na manindigan para sa serbisyo publiko ay lubos na iginagalang.”
“Public service goes beyond elections,” ayon sa Pangulo sabay sabing, “The work of nation-building needs all who are ready to serve.”
Tulad aniya ng minsan na sinabi ng kanyang ama: “If we are to prevail, we must prevail as Filipinos—for it is the only way to endure. If we are to attain our goals, we must march forward, not to the past but to the future. And we must do this as one family, a nation united.”
Winika pa ng Pangulo na ang pamamahala ay isang pinagsamang responsibilidad, isang misyon na nangangailangan ng pagkakaisa at at pagbabahagi ng pasanin para sa kabutihang panlahat.
Samantala, para naman sa mga bagong halal, maging anuman ang partido o koalisyon, sinabi ng Pangulo na: “I extend my hand. Let us move forward together—with open minds and a common purpose.”
“Sa gobyernong tapat, kasama ang lahat,” aniya pa rin.
“May God bless our leaders, our people and our beloved Philippines,” ang tinuran pa rin ni Pangulong Marcos. Kris Jose