MANILA, Philippines- Bumisita mismo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasama si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian, sa paglibot iba’t ibang booth na nagtatampok sa mga programa at serbisyo ng ahensya sa pagdiriwang ng ika-74 na anibersaryo ng DSWD noong Pebrero 18 (Martes) sa SMX Convention Center sa Pasay City.
Sa pag-ikot ng Pangulo, ipinakita ni Undersecretary Monina Josefina Romualdez ng DSWD’s Operations Group (OG) ang mga feature ng Minors Travelling Abroad (MTA) online system, habang ipinaliwanag naman ni Undersecretary Denise Florence Bernos Bragas ng Regulatory Services and Institutional Development Group (RSIDG) ang mga feature ng Harmonized System Electronic Licensing (HELPS).
Kaugnay nito, ipinakita naman ni Undersecretary Eduardo Punay ng Innovations and Program Development Group (IPDG), sa Pangulo ang mga bahagi ng Pamilya sa Bagong Pilipinas Compendium.
Kasama nina Pangulong Marcos Jr. at Secretary Gatchalian sina Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano at Undersecretary Emmeline Villar ng DSWD’s International Affairs, Attached and Supervised Agencies (IASAs), na siya ring DSWD 74th anniversary committee chairperson. Santi Celario