MANILA, Philippines- Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagturn-over sa 51 ambulansya mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa local government units (LGUs) at state-run hospitals sa Western Visayas.
“It’s built upon our thrust to improve people’s access to health care, especially in vulnerable communities and geographically isolated and disadvantaged areas,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa turnover ceremony na idinaos sa Passi City, Iloilo.
“In delivering those services, every second matters and these vehicles will ensure that help will arrive without delay. Because our work is about prompt action. Healthcare is about prompt action,” ayon sa Pangulo.
Ang state-of-the-art at reliable ambulances, o patient transport vehicles (PTVs), ay naglalayong magbigay ng napapanahon at ligtas na transportasyon sa mga pasyente na pupunta at manggagaling sa medical facilities.
Ang mga sasakyan ay magsisilbi rin aniyang “lifeline to bridge the gaps during emergencies and calamities.”
Ipinangako naman ng Pangulo na titiyakin niya na walang maiiwang Pilipino na hindi matutulungan.
Ang mga sasakyan ay ipinagkaloob sa local recipients sa pamamagitan ng Medical Transport Vehicle Donation Program ng PCSO.
Samantala, pinasalamatan naman ni Pangulong Marcos ang charitable institution para sa pagsasagawa ng programa, pagbibigay ng serbisyong medikal sa milyong Pilipino sa buong bansa.
“The PTVs, with aper-unitcost of PhP2.1 million, are equipped with a stretcher, oxygen tank, and blood pressure monitor, among other medical equipment.
From June 30, 2022, to September 11, 2024, 416 PTVs have been distributed to LGU beneficiaries from all regions except the National Capital Region (NCR),” ayon sa ulat.
Samantala, inaprubahan ni Pangulong Marcos ang budget para ngayong taon na P2.2 bilyon para makakuha ng 1,000 PTVs na sasaklaw sa lahat ng lungsod at munisipalidad sa bansa. Kris Jose