Home NATIONWIDE PBBM pagtatawanan kung magiging malambot sa kaso ni Quiboloy – solon

PBBM pagtatawanan kung magiging malambot sa kaso ni Quiboloy – solon

MANILA, Philippines- “The Marcos administration will turn into the laughing stock of the international community if it gives into the supposed demands of Kingdom of Jesus Christ (KOJC) church leader, Pastor Apollo Quiboloy.”

Ito ang reaksyon ni ACT Teachers Partylist Rep. France Castro kasunod ng naging kondisyon ni Quiboloy na haharapin lamang nito ang kanyang mga kaso sa Pilipinas kung hindi makikialam ang Estados Unidos partikular na ang United States Federal Bureau of Investigation (US FBI), Central Intelligence Authority at US Embassy.

Ayon kay Castro, umaasa siyang hindi lalambot ang Marcos administration sa kaso ni Quiboloy at hahayaan na umikot ang hustisya.

Giit ni Castro, kung papayagan ang mga demand ni Quiboloy ay mismong si Pangulong Marcos ang magiging kakatawa hindi lamang sa mga Filipino, lalo na sa international community.

“Feelingero talaga hanggang ngayon. Quiboloy should just face the charges against him here and in the US,” pahayag ni Castro.

Si Quiboloy ay wanted sa US simula pa noong 2021 sa kasong sex trafficking by force, fraud, coercion, sex trafficking of children, marriage fraud, ilegal na paggamot ng visas, bulk cash smuggling, promotional money laundering, concealment money laundering at international promotional money laundering.

Sa Pilipinas ay nahaharap naman ito sa kasong paglabag sa Republic Act 7610 o Anti-Child Abuse Law. Gail Mendoza