MANILA, Philippines – Nanawagan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang kapwa Filipino na pagnilayan ang sakripisyong maaaring gawin para sa pagbuo ng bansa.
Sa kanyang mensahe para sa pagdiriwang ng Eid al-Adha, sinabi ng Pangulo na umaasa siyang ang okasyon ay makapagbibigay-inspirasyon sa lahat ng mga Filipino na mananampalataya “to respond to what our times ask of us, and to leave behind not only victory but renewal.”
“As this solemn celebration coincides with the culmination of the journey of renewal — the Hajj — let us reflect on what kind of offering truly strengthens a nation,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
“The measure is not in how much is given, but in what is restored: the dignity where there was dismissal, fairness where there was neglect, and compassion where there was indifference,” aniya pa rin.
Ani Pangulong Marcos, ginugunita sa Eid al-Adha ang pananampalatayang hindi natitinag at pagtalima ni Prophet Ibrahim nang isakripisyo niya ang kanyang anak na si Ishmael kay Allah.
Winika pa ng Pangulo na ang nanatili ay hindi ang kahalagahan at sandali ng sakripisyo kundi katahimikan bago pa ito nangyari, na nagpapahintulot sa lahat na kilalanin ang “something achingly familiar: the private reckonings, the sleepless discernments, and the places where we are caught in between.”
“This sacred day calls us to remember that devotion reveals itself when we are asked to release what we once believed we could never give. The story of Prophet Ibrahim endures because it leads us to the edge, to that thin border between obedience and resistance, where the soul must decide what truly matters,” ang tinuran ng Pangulo.
Ang pagdiriwang ng Eid al-Adha ay isang imbitasyon para sa bawat isa na magsimula sa isang “more difficult journey” tungo sa state of heart, idinagdag pa na ang pinakamahusay na alay ay hindi naglalaho kundi nakakataas at nag-iiwan ng mas malakas na bagay.
“Beyond the event lies a deeper truth that what brings us closest to the Almighty is the giving up of certainty and the letting go of pride,” ang pahayag ni Pangulong Marcos.
“Indeed, when we fully lay down our temporal concerns, we leave a special place for the Divine to take root in our hearts and in our nation, where truth becomes a force that can shape the public good,” ang tinuran pa rin ng Pangulo.
Samantala, ang Eid al-Adha, na kilala rin bilang “Feast of Sacrifice,” ay isa sa pinakamahalagang pagdiriwang sa Islam. Isa itong relihiyosong okasyon na ginugunita tuwing ika-10 ng Dhu al-Hijjah, ang ikalawang buwan sa Islamikong kalendaryo.
Ito ay nagpapahayag ng pasasalamat at pagsunod sa utos ng Diyos na ipinakita ni Abraham (Ibrahim) noong sinaunang panahon. Kris Jose