MANILA, Philippines – Iniulat ng Department of Health (DOH) na may mahigit 110,000 kaso ng dengue sa buong bansa mula Enero hanggang Mayo 2025, kung saan mahigit 19,000 ay mula sa Metro Manila, isang 224% pagtaas kumpara noong nakaraang taon.
Naitala rin ang 437 na pagkamatay, karamihan ay mga batang lima hanggang siyam na taong gulang dahil sa mababang immunity.
Bago ang pagbubukas ng klase sa Hunyo 16, inilunsad ng DOH ang Dengue Awareness Month upang itaguyod ang kalinisan at kontrol sa lamok sa mga paaralan sa pamamagitan ng kampanyang “Alas Kwatro Kontra Mosquito.”
Pinapayuhan din ang publiko na agad kumonsulta sa doktor kapag may sintomas upang maiwasan ang seryosong epekto ng dengue. RNT