Home METRO P10M pamuksa sa peste sa tubuhan sa Negros, inaprubahan ng DA

P10M pamuksa sa peste sa tubuhan sa Negros, inaprubahan ng DA

317
0

MANILA, Philippines – Inaprubahan ng Department of Agriculture (DA) ang P10 milyong tulong para sa pesticide upang labanan ang infestasyon ng red-striped soft scale insect (RSSI) sa mga taniman ng tubo sa Negros Island.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., nakuha na ng Sugar Regulatory Administration (SRA) ang mga pesticide at bibigyan pa ng karagdagang suporta kung kinakailangan.

Ang RSSI, na unang nakita sa Luzon noong 2022 at nakontrol noong 2024, muling lumitaw sa Negros nitong Marso, at naapektuhan na ang mahigit 546 ektarya ng taniman.

Mahigpit na minomonitor at ipinapatupad ang quarantine para mapigilan ang pagkalat, dahil nanganganib na bumaba ng hanggang 50 porsyento ang produksyon ng asukal. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here