Home NATIONWIDE PBBM sa mga ‘Bagong Pilipino’: Pagmamahal sa sarili ipagdiwang sa Araw ng...

PBBM sa mga ‘Bagong Pilipino’: Pagmamahal sa sarili ipagdiwang sa Araw ng mga Puso

MANILA, Philippines- “Ipagdiwang ang pagmamahal sa sarili” ang “friendly reminder” ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga “Bagong Pilipino” ngayong nalalapit na ang Araw ng mga Puso.

Sa short video message ng Chief Executive sa kanyang official Instagram account, sinabi ni Pangulong Marcos na alam ng mga “Bagong Pilipino” kung paano pangangalagaan ang kanilang sarili.

“Kaya’t ngayong Buwan ng mga Puso, ipagdiwang natin ang pagmamahal sa ating mga sarili,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

“Alagaan natin ang ating mga puso dahil walang ibang mag-aalaga diyan kung hindi ikaw lang, lalo na kung single ka,” paalala pa ng Punong Ehekutibo.

Samantala, ang Valentine’s Day sa Pebrero 14 ay hindi lamang pinagdiriwang ang Araw ng mga Puso kundi ito rin ay hudyat ng pagsisimula ng pag-aayuno, pagsasakripisyo’t penitensya.

Ang Ash Wednesday o may opisyal na pangalang Day of Ashes ay araw ng pag-aayuno at unang araw ng Lenten Season sa mga debotong Katoliko at ilang relihiyon na naniniwala dito.

Ginagamit ang abo noong sinaunang panahon bilang tanda ng pighati. Kaya naman bilang tanda ng pagsisisi at pag-amin sa mga kasalanang nagawa, ipinagpatuloy ng mga Kristiyanong Katoliko ang pagpahid ng abo sa noo at minsan ay inilalagay sa ulo,bilang palatandaan na umpisa na ng Ash Wednesday. Kris Jose

Previous article1,500 pulis ipakakalat sa pagdiriwang ng Chinese New Year – MPD
Next articleOil price rollback posible sa susunod na linggo