MANILA, Philippines – NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa sambayanang Filipino na manatiling matatag at may magandang pananaw sa buhay sa gitna ng mga pagsubok sa buhay, habang ang bansa ay nagsimula na ng mataimtim na pagdiriwang ng Semana Santa.
Sa kanyang Palm Sunday message, sinalamin ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng pasyon, kamatayan, at muling pagkabuhay ni Kristo, hinikayat ang publiko na humugot ng lakas at pag-asa mula sa halimbawa ng mga pagsasakripisyo ng Tagapagligtas.
“I join the entire Filipino nation as we take a brief pause from our daily routines to observe the Holy Week,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
“As we enter the solemn commemoration of Jesus Christ’s Passion, Death and Resurrection, let us ponder on the Lord’s perfect example of compassion and self-giving. Our Savior knew that the path of Calvary was not an easy journey,” dagdag na wika nito.
“Yet, in dutiful obedience to the Father’s will. He fulfilled His mission, enduring hardships and suffering, all in the name of love. Through His sacrifice, the gift of salvation came into our midst.” aniya pa rin.
Ang Semana Santa ay sinisimulan ng mga Filipino sa malalim na debosyon sa pamamagitan ng church services, mga prusisyon at personal na mga paggawa ng penitensiya
Kaya nga, hinikayat ng Chief Executive ang mga Filipino na manatiling matatag sa kabila ng kahirapan, paghahalintulad sa pagpapakasakit ni Hesukristo.
“Like Christ, may we remain resilient and optimistic in life, despite all the challenges that come our way. May all the adversities that we face shape us into better persons, capable of understanding and charity towards our brethren,” ayon sa Pangulo.
“By His death on the cross at Golgotha, He showed us that our limitations and frailties as human beings do not hinder us for greater causes.” ang winika pa rin ng Punong Ehekutibo.
Binigyang diin pa rin ng Pangulo ang mensahe ng pag-asa at ispirituwal na pagbabago sa Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay.
“We are comforted by the triumph of Easter, which uncovered the success of the Lord’s ultimate sacrifice. May the realization that a loving God embraced humanity to be with us inspire perseverance through tribulations and be an encouragement to our brothers and sisters,” ang tinuran pa rin ni Pangulong Marcos.
“I hope that we will regain strength in the presence of our family and loved ones for us to be more dedicated to doing His will, most especially to those in the peripheries He entrusted under our care,” ang sinabi pa rin ng Pangulo.
Ang Palm Sunday ay isang araw na nagpapaalala kay Hesukristo na nakasakay sa isang asno nang pumasok siya sa Jerusalem kung saan sinalubong siya ng mga tao na kumakaway ng mga sanga ng palma, na nangangahulugang tagumpay at kapayapaan.
Para sa marami, ang Linggo ng Palaspas ay higit pa sa isang liturhikal na kaganapan ngunit isang masiglang timpla ng pananampalataya, kultura, at okasyon ng pamilya.
Ito ang panahon kung saan ang sambahayang filipino ay nagtitipon-tipon upang ipahayag ang kanilang pananampalataya. Kris Jose