MANILA, Philippines – Kumpiyansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na makakapag-produce ang Pilipinas ng electric vehicles gaya ng tricycles at jeepneys.
Inihayag ito ng Pangulo sa ginawang pag-inspeksyon sa pabrika ng MD Juan Enterprises sa Caloocan City, araw ng Martes, Agosto 25.
At upang mapagtagumpayan ito, sinabi ng Pangulo na susuportahan ng gobyerno ang local manufacturing industry at isteps para mapalakas ang kanilang produksyon gaya ng MD Juan’s.
So, the next step is to put in some of the new equipment na that is still necessary for the production of the electric vehicle. At alam na namin yung gagawin,” ayon sa Pangulo.
“And together with our technical consultants, I believe that we will soon be seeing a Filipino electric vehicle, tricycle, at maybe down the road makagawa na tayo ng jeepney,” aniya pa rin.
Nauna rito, binisita ni Pangulong Marcos ang automotive parts manufacturer MD Juan Enterprises, Inc. sa Caloocan City para i-assess ang pasilidad ng kompanya at idetermina ang karagdagang suporta at equipment na kakailanganin para magawa ang lokal na produksyon ng electric vehicles.
Ang MD Juan Enterprises, isang benepisaryo ng e-mobility program ng Department of Science and Technology (DOST) ay kilala para sa pagmamanupaktura ng machine-pressed metal parts at restoration kits para sa vintage, military, at civilian jeeps.
Winika pa ni Pangulong Marcos na tinutukoy ng gobyerno ang gaps sa umiiral na kakayahan ng kompanya at tukuyin kung paano makatutulong ang DOST at iba pang national government agencies.
“Kaya tinitingnan namin ang mga facilities, ano yung nandito na, ano na yung mga kulang, ano pa yung mga kulang na susuportahan ng ating DOST, ng national government para makapagawa na tayo ng electric vehicle dito sa Pilipinas,” ayon kay Pangulong Marcos.
Aniya, ang pagdebelop ng domestic EV manufacturing industry ay makatutulong na mabawasan ang pagsandal ng bansa sa imported petroleum products habang sinusuportahan ang mas matatag na sektor ng transportasyon.
Aniya pa, ang locally made na EVs ay maaari ring makatulong na makapagigay ng mas ‘sustainable livelihood opportunities’ para sa transport workers.
Sinabi pa ni Pangulong Marcos na ang susunod na hakbang ay magbigay ng karagdagang equipment na kakailanganin para sa EV production.
“And together with our technical consultants, I believe that we will soon be seeing a Filipino electric vehicle tricycle. At maybe down the road, makagawa na tayo ng jeepney,” aniya pa rin.
Samantala, pino-promote ng administrasyon ang e-mobility bilang bahagi ng pagsisikap na gawing modernisado ang transportasyon, bawasan ang fossil fuel dependence, at idebelop ang local manufacturing capabilities. (KRIS JOSE)