MANILA, Philippines – Umasa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nang mas magandang resulta para sa mga kandidato ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas.
“We all wish we had better results, but you know, we live to fight another day. But now it’s time, I think, to put all the politics aside, it’s time to put all of the issues that were raised during the election, and only talk about not political issues but developmental issues — healthcare issues, education issues, agricultural issues, supply issues, all of these things,” sinabi ni Marcos sa kanyang maikling speech sa thanksgiving party ng Alyansa.
“Sana naman, ako lagi kong binibilang ang araw na natitira sa term ko, at kailangan matapos natin ‘yong mga nasimulan natin,” dagdag pa niya.
Ani Marcos, vital component ang media sa pagsisiguro na nasasakop ang plataporma ng Alyansa.
Sa nalalabing tatlong taong termino, sinabi ng Pangulo na nais niyang hingin ang tulong ng media na maabot ang target ng administrasyon.
“Alam ko naman ang ginawa ninyo, kung minsan hindi nakikita ‘yong inyong trabaho, pero alam namin ‘yan, kami na sanay kami sa ganitong klaseng trabaho, eh alam namin na napaka-importante ng inyong ginagawa. The media sector of our campaign was very successful, and I think that we were able to put out and occupy the narrative space very, very well as a matter of fact,” ani Marcos.
“So, that’s what I will ask for you to help me with in the coming three years. I know that you will once again, as you did before, do a very, very good job and make a success at whatever it is that we are trying to do. But once again, most importantly for tonight, I’d like to thank everyone,” dagdag pa niya.
Anim sa 11 Alyansa senatorial bets ang nakapasok sa Magic 12. Ito ay sina Senators-elect Erwin Tulfo, Panfilo Lacson, Vicente Sotto III, Pia Cayetano, Camille Villar, at Lito Lapid. RNT/JGC