Home NATIONWIDE Gamit na campaign paraphernalia ireresiklo ng BJMP

Gamit na campaign paraphernalia ireresiklo ng BJMP

MANILA, Philippines – Ibibigay sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang mga campaign materials na ginamit noong halalan, sinabi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Sabado, Mayo 17.

Ang mga gamit na campaign material ay gagawin ulit na iba pang produkto na maibebenta at magbebenepisyo ang mga Persons Deprived of Liberty (PDLs).

Matapos ang halalan ay nangongolekta na ang mga tauhan ng MMDA ng mga campaign paraphernalia sa Metro Manila.

Sa panayam, sinabi ni MMDA Chairman Atty. Don Artes na ibibigay ng ahensya ang mga nakolektang materyales sa BJMP.

Ngayong linggo, iniulat ng MMDA na nasa 10,100 kilo o 11.18 tons ng campaign materials sa National Capital Region ang inalis sa unang araw ng cleanup matapos ang 2025 elections.

Sa report, nasa 23,452 piraso ng campaign materials ang nakolekta sa 16 na lungsod at isang bayan sa rehiyon.

Karamihan sa mga ito ay mula sa Maynila sa 4.05 tonelada, sinundan ng Muntinlupa sa 1.66 tons at Districts II, V, at VI sa Quezon City sa 1.27 tons. RNT/JGC