Home NATIONWIDE PBGen Baccay itinalagang regional director ng CALABARZON

PBGen Baccay itinalagang regional director ng CALABARZON

1
0

MANILA, Philippines – Pormal na nanumpa sa panunungkulan si PBGen Dominic L. Baccay bilang Regional Director ng PRO4 CALABARZON kahapon na ginanap sa Camp BGen Vicente P. Lim Covered Court Calamba City, Laguna.

Pinangunahan ni Presiding Officer PMGen Wilson Joseph F. Lopez, Deputy Chief for Operations ng Philippine National Police bilang representative ni PNP Chief PGen Jose Melecio C. Nartatez ang Assumption of Office Ceremony.

Si PBGen Baccay ay miyembro ng Philippine National Police Academy Kapanalig Class 97 kung saan pinalitan nito si PBGen Hansel M. Marantan matapos na magretiro sa serbisyo sa edad na 56 sa kanyang mandatory retirement matapos ang mahabang panahon ng tapat, mahusay at makabuluhang paglilingkod sa Philippine National Police.

Ayon kay PBGen Baccay, pinasalamatan nito si Chief PNP sa ipinagkaloob na tiwala at kumpiyansa sa kanya para pamunuan ang PRO4 CALABARZON.

Bukod dito, binigyan diin ang nasabing opisyal ng kanyang pagkilala sa mahusay na pamumuno ni PBGen Marantan na naglatag ng matatag na pundasyon sa pagpapalakas ng kakayahang operasyon ng rehiyon, pagpapabuti ng kapakanan ng mga tauhan at pagpapatibay ng tiwala ng publiko sa organisasyon.

Aniya, ang kanyang pagkakatalaga bilang pinuno ng PRO4 CALABARZON ay hindi lamang isang bagong tungkulin kundi isang pagbabalik sa isang himpilan na naging malaking bahagi ng kanyang propesyunal na paglago bilang isang opisyal ng PNP.

Dagdag pa ni PBGen Baccay, dala nito ang panibagong sigla at determinasyon na pangunahan ang mga kalalakihan at kababaihan sa CALABARZON na may integridad, propesyunalismo at pananagutan.

Binigyan diin din ni PBGen Baccay ang isa sa kanyang pangunahing prayoridad ang kapakanan, mataas na moral at patuloy na propesyonal na pag-unlad ng bawat miyembro ng Police Regional Office 4A kung saan ang isang disiplinado, mahusay at may mataas na motibasyong hanay ng kapulisan ang pundasyon ng epektibo at dekalidad na serbisyong kapulisan.

Bilang gabay sa kanyang pamumuno, inilatag nito ang kanyang adbokasiyang “PRO4A B.E.S.T” na nangangahulugang “Be Visible Engage Immediately, Serve Together at Transform Trust.”

Aniya, ito ang magsisilbing inisyatibong direksyon ng buong rehiyon sa pagpapatibay ng police visibility, agarang pagtugon sa mga pangangailangan ng mamamayan, pagpapalakas ng pagtutulungan, sa loob ng organisasyon at sa mga komunidad at higit sa lahat sa patuloy na paglinang ng tiwala at kumpiyansa ng publiko sa Philippine National Police.

Kaugnay nito, ang kanyang pinagtibay na kahalagahan ng mas matibay na ugnayan at pakikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan, mga ahensya ng gobyerno, pribadong sektor, at iba pang stakeholder bilang mahalagang katuwang sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa buong CALABARZON.

Ang panunungkulan ni PBGen Baccay bilang Acting Regional Director ng PRO 4A ay hudyat ng panibagong yugto ng pamumuno na nakatuon sa pagpapatuloy ng mga nasimulang programa, pagpapaigting ng kampanya laban sa kriminalidad, at paghahatid ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

“Sa aking pamumuno, bibigyan natin ng kahalagahan ang Self-Development and Professional Growth ng bawat personnel, ugnayang pamilya at komunidad at implementasyon ng Peace and Order Program at mga program kontra iligal na droga, sugal at iba’t ibang Kriminalidad,” ani PBGen Baccay. Ellen Apostol

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here