CAGAYAN, Philippines – Itinalaga na bagong Regional Director si PBGen. Roy B. Parena ng Police Regional Office 02 o PR02 matapos tumagal lamang ng halos 10 buwan si PBGen. Antonio Marallag Jr. na pamunuan ang nasabing Valley Cops.
Si PBGen. Parena ay nagtapos sa Phil. National Police Academy (PNPA)Tagapaglunsad class of 1993 na mismong kaklase ni PNP Chief Nicolas Torre III.
Noong buwan pa sana ng Hunyo papalitan si PBGen. Marallag Jr. pero naudlot ng dalawang beses sa hindi malinaw na kadahilanan.
Sa bagong liderato ni PBGen Parena ay todo suporta ng mga kapulisan ng Valley Cops kabilang si PCol. Allen B. Bauding, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO na naging highlights dahil sa nakamit nitong prestihiyosong parangal bilang Outstanding Police Community Affairs and Development PCAD PCO Senior PCO ngayon taon 2025 National Level sa katatapos na PCR Month sa Camp BGen. T. Crame, Quezon City.
Nanilbihan si Parena bilang Deputy Director for Police Community Relations sa Kampo Crame. Si Marallag ang sinasabing ipapalit sa binakanteng pwesto ni Parena. Nanungkulan din itong DRDA sa Central Visayas (Region 7),dating Deputy Director For Operations ng PNP Anti-Kidnapping Group (AKG) at dating Provincial Director noong 2020 ng Antique Police Provincial Office sa Region 6 o Western Visayas.
Samantala, isang malaking hamon sa kakayahan ni PBGen. Parena na pamunuan ang PR02. (REY VELASCO)