Home NATIONWIDE PCG nagpasalamat sa rescue efforts ng China sa crew members ng Singaporean-flagged...

PCG nagpasalamat sa rescue efforts ng China sa crew members ng Singaporean-flagged cargo vessel

230
0

MANILA, Philippines – Nagpasalamat ang Philippine Coast Guard (PCG) sa isinagawang rescue effort ng barko ng China Coast Guard na sumagip sa 17 crew members mula sa isang Singaporean-flagged cargo vessel MV Devon Bay, kasabay ng pagpapatuloy na paghahanap ng PCG sa apat na Filipino seafarers na nawawala pa rin.

Ayon kay PCG spokesperson Capt. Noemi Cayabyab, nakatanggap ng report ang ahensya 10:30 ng umaga nitong Biyernes, Enero 23 na nagsagawa ng rescue operations ang barko ng China Coast Guard na dumaan sa iniulat na incident area.

“Seventeen people were rescued by the China Coast Guard,” ani Cayabyab sabay-sabing ang PCG “really appreciates all the parties, including the passing of the China Coast Guard, for rendering assistance to our fellow countrymen of the MV Devon Bay group.”

Ani Cayabyab, matapos i-radyo ng PCG ang insidente para humingi ng tulong, rumesponde sa lugar ang barko ng China Coast Guard na 65 kilometro mula sa distressed ship.

Tinukoy niya ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) na nagpapaalala sa mga mariner ng obligasyon ng mga ito na tumulong sa mga nangangailangan sa karagatan.

“We have a moral obligation,” sinabi ni Cayabyab.

“It is mentioned in UNCLOS that every state has a moral obligation to conduct rescue operations regardless of its nationality or even jurisdiction.”

Ang Devon Bay ship, ay may kargang iron ore mula Gutalac, Zamboanga del Norte, patungong Guangdong, China, ay nagsimulang late sa listing nito, araw ng Huwebes.

Naitala ang last known position nito 262 kilometro kanluran ng Sabangan Point, Ango Bay, Pangasinan, na pasok pa rin sa Philippine Exclusive Economic Zone, ayon sa mga opisyal.

Ipinadala ng PCG ang BRP Teresa Magbanua (MRRV-9701) at BRP Cape San Agustin (MRRV-4408), kasama ang dalawa pang eroplano para maghanap sa apat pang crew member.

Nagsagawa rin ng aerial reconnaissance ang PCG Islander aircraft para tumulong sa paghahanap.

Iniulat ng China Coast Guard ang pagkakasagip sa 17 sa 21 crew members malapit sa Scarborough Shoal.

Sinabi ng Chinese Embassy sa Manila na 14 ang nasa stable na kondisyon, dalawa ang kumpirmadong nasawi, at isa ang sumasailalim sa emergency medical treatment.

Ang apat na natitirang crew member ang pokus ng nagpapatuloy na search and rescue operations.

Hinimok ng PCG ang lahat ng dumadaang barko sa bisinidad na manatiling alerto at agad magbigay ng tulong kung kinakailangan. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here