Home HOME BANNER STORY PCG, nagtatag ng auxiliary district sa Kalayaan Island Group

PCG, nagtatag ng auxiliary district sa Kalayaan Island Group

3
0

PAG-ASA ISLAND, Philippines – Pormal nang in-activate ng Philippine Coast Guard (PCG), sa pangunguna ni Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan, ang Coast Guard Auxiliary District sa Kalayaan Island Group ngayong Oktubre 7.

Kabilang sa mga bagong nanumpang miyembro ng Philippine Coast Guard Auxiliary (PCGA) ang mga guro, MDRRMC at LGU personnel.

Kasabay nito, kinilala ni Gavan ang mga kabataang Sea Scout graduates na sumailalim sa Basic Life Support at Water Search and Rescue training.

Pinarangalan din ang mga tauhang rumesponde sa insidente ng blast fishing sa Sandy Cays noong Oktubre 4.

Ayon kay Gavan, patunay ang pagbuo ng auxiliary district na katuwang na ng Coast Guard ang mga sibilyan sa Kalayaan sa paghahanda sa sakuna at pagtatanggol sa soberanya sa West Philippine Sea. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here