Home NATIONWIDE PCG naka-heightened alert sa Marawi explosion

PCG naka-heightened alert sa Marawi explosion

MANILA, Philippines – Ipinag-utos na rin ng Philippine Coast Guard (PCG) sa lahat ng districts nito na i-hightened alert at magsagawa ng mga proactive measures.

Kasunod ito ng fatal bomb explosion sa Marawi City ngayong umaga, ayon kay CG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan.

Kabilang sa proactive measures ang paigtingin ang Intel, pre-departure inspection ng mga barko, K9 inspection, sea marshals, coastal security patrols at collaboration operations sa mga port authorities, shipping operators, LGUs, Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNo) at iba pang law enforcement agencies.

Ito ay upang masiguro ang kaligtasan ng mga manlalakbay sa dagat at maritime industry.

“Amid this barbaric act, best public service must prevail,” sabi ni Commandant Gavan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleBook publishing law, rerepasuhin sa Senado
Next article2 barangay tanod itinumba sa Basilan