Home OPINION PCG NASA ‘HIGH ALERT’ SA DISYEMBRE HANGGANG ENERO

PCG NASA ‘HIGH ALERT’ SA DISYEMBRE HANGGANG ENERO

INAASAHAN ang pagdagsa ng mga manlalakbay ngayong Ka­paskuhan kaya nasa estado ng “heightened alert” ang Philippine Coast Guard (PCG) simula ika-13 ng Disyembre 2024 hanggang ika-6 ng Enero 2025.

Ipinag-utos ni PCG commandant admiral Ronnie Gil Gavan sa mga distrito, istasyon at sub-istasyon na paigtingin ang seguridad at ang kaligtasan sa mga pantalan at mga terminal.

Layunin ng PCG na magkaroon ng maayos na operasyon sa paglalakbay sa mga karagatan at ang seguridad ng mga turista sa mga dalampasigan at pribadong resort sa buong bansa sa panahon ng Kapaskuhan.

Sinabi ni commandant admiral Gavan na dahil alam ng PCG na hinihintay ng maraming mga Filipino ang makauwi sa kani-kani­lang mga pamilya ngayong Pasko o kaya ay makapagpahinga ma­tapos ang buong taong pagtratrabaho kaya naman asahan diumano ang kahandaan ng kanilang Coast Guard.

Sa ngayon ay 24/7 na ang ginagawang pagmamanman sa mga ruta ng nautical highways at inter-island routes lalo na sa Visayas kung saan matatagpuan ang karamihan sa mga tourist destination.

Pagtitiyak niya, nakaantabay ang mga deployable response groups at ang PCG Auxiliary (PCGA) para sa mga operasyon.
Magpapatupad din ng mahigpit na inspeksyon sa mga pasahero, bagahe, terminal, at barko upang masigurong ligtas at maayos ang operasyon sa mga pantalan.

Mayroon ding mga medical team upang tumulong sa mga pa­sahero sakaling magkaroon ng emergency.
Magpapatrolya rin ang mga lifeguard, first responder, at iba pang mga tauhan ng PCG sa mga maritime tourist destinations.

Nakipag-ugnayan na ang PCG sa Philippine Ports Authority at Maritime Industry Authority para sa mga isasagawang inspeksyon at pagtitiyak na hindi sumobra ang pagbebenta ng tickets o pagsakay ng sobrang daming pasahero.
Sa bisa ng PCG NASA “HIGH ALERT” SIMULA DECEMBER 13, 2025 PARA SA KAPASKUHAN para sa kaligtasan at seguridad ng mga sasakyang pandagat.

Pinapaalalahanan din ang mga pasahero na manatiling mapagmatyag at alerto sa panahon ng kanilang paglalakbay.