Home NATIONWIDE PCG tatanggap ng 40 fast patrol crafts

PCG tatanggap ng 40 fast patrol crafts

MANILA, Philippines – Tatanggap ng hindi bababa sa 40 fast patrol crafts (FPCs) mula sa France ang Philippine Coast Guard (PCG)– ang mga sasakyang pandagat na ito ay inaasahang higit na magpapahusay sa kakayahan ng bansa sa pagtugon sa mga operasyon ng paghahanap at pagsagip, pangangalaga sa kapaligiran, pagpapatupad ng batas sa dagat, at pagtugon sa kalamidad.

Ayon ito sa PCG kasabay ng pahayag na I aprubahan ni Pangulong Marcos ang pagkuha ng limang 97-meter na barko mula sa Japan.

Sinabi ni Gavan na kapag naihatid na ang limang barko mula sa Japan, magkakaroon ang PCG ng kabuuang walong malalaking patrol ship.

Sa kabilang banda, sinabi ni Gavan na ang 40 units ng 35-meter fast patrol crafts na nagkakahalaga ng P25.8 billion at popondohan sa pamamagitan ng official development assistance (ODA) mula sa gobyerno ng French.

Aniya, ang dagdag na 40 fast crafts ay quadruple sa kasalukuyang PCG fleet.

Bukod sa pagpapatrolya laban sa maritime crimes tulad ng smuggling, drug trafficking, piracy, at illegal fishing, sinabi ni Gavan na ang 40 FPCs ay ipapakalat din para sa West Philippine Sea response gayundin sa search and rescue, surveillance operations at maritime protection. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)