Home HEALTH PCO sa publiko: ‘Stop smoking’

PCO sa publiko: ‘Stop smoking’

MANILA, Philippines- Nanawagan ang Presidential Communications Office (PCO) sa mga mamamayang Filipino na tigilan na ang paninigarilyo at hiningi ang kooperasyon ngayong buwan ng Hunyo, National No Smoking Month.

Sa isang Facebook post, sinabi ng PCO na nakikiisa ito sa pagsisikap na ipabatid sa publiko ang tungkol sa panganib ng tobacco o tabako at hiniling sa mga tao na gawin din ang kahalintulad para i-promote ang malusog na komunidad.

Hinikayat din nito ang smokers na tumigil na sa paninigarilyo.

“Nakikiisa ang Presidential Communications Office sa pagbibigay kaalaman sa publiko hinggil sa masamang epekto ng tobacco sa ating kalusugan at paghikayat na tumigil na sa paninigarilyo,” ayon sa PCO.

“Inaanyayahan namin ang lahat na makiisa sa ating panawagan ngayong National No Smoking Month para sa isang malusog na komunidad,” dagdag na wika ng PCO.

Mayo 2022, sinabi ng Lung Center of the Philippines (LCP) na nakapagtala ang Pilipinas ng daily average na 321 ang namatay dahil sa tobacco-related diseases.

Ayon  sa World Health Organization (WHO), “tobacco kills more than 8 million yearly, with over 7 million of the figure due to direct use, while the rest were non-smokers exposed to second-hand smoke.” Kris Jose

Previous articleNadine, vegetarian na, tumigil sa pagbili ng leather shoes at bags!
Next articleOCTA: NCR ‘moderate risk’ na lang sa COVID-19