Home METRO OCTA: NCR ‘moderate risk’ na lang sa COVID-19

OCTA: NCR ‘moderate risk’ na lang sa COVID-19

MANILA, Philippines- Balik ang National Capital Region (NCR) sa moderate risk para sa COVID-19 sa pagbaba ng ositivity rate sa rehiyon, base sa OCTA Research nitong Huwebes.

Inihayag ng OCTA na nakapagtala ang Metro Manila ng 19.9% weekly positivity rate hanggang nitong May 30, mas mababa kumpara sa 24.4% seven-day positivity rate na naitala noong May 23, na naglagay sa NCR sa high-risk classification.

“COVID-19 hospital beds occupied decreased slightly over the same period and remaining at low occupancy,” dagdag ni OCTA Research fellow Guido David.

Batay sa datos ng Department of Health (DOH), mula nang magkaroon ng pandemya, nakapagtala ang NCR ng pinakamaraming bilang ng COVID-19 cases sa buong bansa sa 1,337,014 hanggang nitong May 31.

Nanguna naman ang Quezon City sa listahan sa 281,380 infections. Sinundan ito ng Manila sa 168,422; Pasig City sa 98,020; Makati City sa 97,557; at Taguig City sa 95,830.

Nakapag-ulat ang bansa ng 1,279 bagong COVID-19 patients hanggang nitong May 31, na nagdala sa nationwide tally sa 4,142,814.

Nauna nang sinabi ng DOH na hindi nito irerekomenda ang pagbuhay sa mandatory face mask use sa kabila ng pagtaas ng COVID-19 cases. Subalit, ilang local government units at government offices ang nagkasa ng mandatory wearing ng mask sa indoor settings. RNT/SA

Previous articlePCO sa publiko: ‘Stop smoking’
Next articleProteksyon sa Maharlika vs katiwalian, tiniyak ni Mark Villar