Home NATIONWIDE Pekeng “tempo” permits sa TNVS, ibinabala ng LTFRB

Pekeng “tempo” permits sa TNVS, ibinabala ng LTFRB

315
0

MANILA, Philippines – Nilinaw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na walang umiiral na temporary permit para sa ride-hailing services o ibang pampublikong transportasyon. Anumang dokumentong katulad nito ay pekeng permiso at ilegal.

Ayon kay LTFRB Chairman Vigor D. Mendoza II, ang tanging inilalaan ng ahensya ay ang provisional authority o authority to operate, at wala nang iba pa.

Ang tinatawag na “tempo” ay isang illegal na gawain kung saan sinasabing binibigyan ng pansamantalang permit ang TNVS para makapag-operate. Lumaganap ito at naging isa sa mga sanhi ng korapsyon sa ahensya, dahil may mga transport group na nagrereklamo na ang permit ay ibinibigay kapalit ng bayad o komisyon ng ilang LTFRB personnel.

Dahil dito, nagsimula ang LTFRB ng crackdown laban sa tempo upang protektahan ang kita ng mga lehitimong driver at operator. Pinayuhan din ni Mendoza ang Transport Network Companies (TNCs) na tiyakin na ang lahat ng TNVS sa kanilang platform ay sumusunod sa regulasyon ng gobyerno.

“Pinahinto na namin ang ilegal na gawi na ito matapos ang aming pagpupulong sa TNCs noong nakaraang buwan. Ngunit may natatanggap pa rin kaming reklamo na may iilang TNVS na hindi sumusunod,” sabi ni Mendoza.

Kasabay nito, pinalakas ng LTFRB ang anti-colorum operations sa buong bansa. Ayon sa mga transport group, 30% ng kita ng mga lehitimong driver ay nawawala dahil sa colorum vehicles, kaya mahalaga ang operasyon laban sa tempo.

Binigyan din ng babala ni Mendoza ang LTFRB personnel na sangkot sa ilegal na gawain: maliban sa posibleng tanggal sa trabaho, maaari rin silang kasuhan sa kriminal.

Aniya pa, pinalalakas na rin ng LTFRB ang proseso ng lahat ng pending applications, na higit 30,000 ang naantala noong nakaraang buwan, upang maibigay agad ang lehitimong authority to operate at maiwasan ang mga TNVS sa paggawa ng ilegal na gawain. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here