Home ENTERTAINMENT Pepito Rodriguez, pumanaw na!

Pepito Rodriguez, pumanaw na!

183
0

Manila, Philippines – Nalagasan na naman ang lokal na showbiz sa pagyao ng dating Sampaguita Pictures contract star na si Pepito Rodriguez.

Siya ay 83.

Jose Maria Morena Rodriguez sa tunay na buhay, his family states that he died of pnemonia, madaling araw recently.

Taong 1962 noong magsimula ang career ni Pepito na kabilang sa Stars of 66.

Ka-loveteam niya si Rosemarie Sonora, ina ni Sheryl Cruz.

Ang kuya ni Pepito na si Ramil Rodriguez ay bahagi rin nito.

Taong 2014 nang pumanaw si Ramil.

Ang unang pelikula ni Pepito ay Siyam na Langit noong 1962, pero ini-launch siya sa Abarinding noong 1963.

Taong 1964 nang magbida siya sa Mga Batang Iskuwater.

Danny Boy naman ang unang title-role movie ni Pepito noong 1969.

Taong 1969 when he won Best Supporting Actor in the 4th Manila Film Festival para sa Stop Look Listen.

Taong 2024 naman nang parangalan siya ng Famas bilang Iconic Actor of the Philippine Cinema.

Wala pang detalye sa burol ni Pepito habang sinusulat ito.

Mula sa Remate Online, ang aming taospusong pakikiramay sa mga naulila ni Pepito Rodriguez. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here