Manila, Philippines – TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa publiko ang masusi at mahigpit na ‘performance review’ ng mga opisyal ng gobyerno na hindi lamang miyembro ng Gabinete kundi ng iba pa bilang bahagi ng nagpapatuloy na pagsisikap na i-recalibrate ang kanyang administrasyon para tugunan ang pangangailangan ng mga tao.
Sa pagharap ng Pangulo sa mga mamamahayag sa sidelines ng 46th ASEAN Summit sa Kuala Lumpur, sinabi ng Pangulo na ang kamakailan lamang na pagbabago sa Gabinete ay hindi isang palabas kundi bahagi ng ‘genuine effort’ para paghusayin ang ‘government performance’ para tugunan ang kagyat at day-to-day na pangangailangan ng mga mamamayang Filipino.
“We are looking at the problem deeply,” ang winika ng Pangulo sabay sabing “I don’t do things pang optics (for show or appearance). If there is a problem, I like to fix it. So that’s what we are doing. So expect us to be doing a rigorous performance review, not only at the Cabinet level, but even deeper,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
Ang pahayag na ito ng Chief Executive ay bilang tugon sa tanong ukol sa potensiyal na bagong anunsyo kasunod ng kanyang panawagan na courtesy resignations mula sa mga miyembro ng kanyang Gabinete noong nakaraang linggo.
Nauna rito, kinumpirma ni Executive Secretary Lucas Bersamin na pinanatili ng Pangulo ang kanyang economic team at tinanggap ang dalawang courtesy resignations para payagan ang mga opisyal na magkaroon ng ‘short break’. Kris Jose